Posible ba?

Previous Topic Next Topic
 
classic Classic list List threaded Threaded
4 messages Options
Reply | Threaded
Open this post in threaded view
|

Posible ba?

Garababy
Good morning everyone.

Alam ko lahat tayo nakaranas nang matulog pero pakiramdam natin gising pa rin tayo kasi "gising ang diwa natin". Madalas ito mangyari sa akin. Kahapon nangyari ulit siya. Alam ko natutulog ako nun bandang 5pm to 6pm kahapon nang sabihin ng bunso kong anak na may naghahanap sa akin na babae na nakabalabal sa labas pero ang sabi ko sa anak ko wala akong kilalang ganyan. Nang pinatignan ko raw sa kanya sa may bintana kung nandun pa ung babae, sabi niya wala na raw. Nang gising na ang pisikal kong katawan tinanong ko ung anak ko kung sinabi nga ba niya sa akin kanina na may naghahanap sa aking babae na nakabalabal, ang sagot niya wala raw siyang sinabing ganun sa akin dahil nung oras na yun tulog din siya. Dun na ako biglang kinalibutan. Ayokong sumilip sa bintana dahil ramdam ko ung takot. Sino ung babaeng nakabalabal na naghahanap sa akin sa panaginip. Anong kelangan niya? Bakit sinabi ko sa panaginip na wala akong kilala na gaya niya at bakit ako natatakot?

Pumasok na ko sa work nung kinagabihan kahapon dahil night shift ako. Habang nasa work ako nagtext anflg kapatid ko at sinabing naaksidente ang tita ko. Nang tanungin ko siya kung anong oras nangyari, ang oras na binigay niya ay tugma sa oras ng panaginip kong may naghahanap sa akin sa labas ng bahay namin na babaeng nakabalabal. Inisip ko nagkataon lang ba? Sobrang pagkakataon naman nun kung gayun. Nakaligtas naman ang tita ko sa aksidente pero posible nga bang siya ang babaeng nakabalabal na naghanap sa akin sa panaginip ko?
Reply | Threaded
Open this post in threaded view
|

Re: Posible ba?

tataadlaw
Administrator
Hindi yan nagkataon lang. Warning yan na may hindi magandang nangyari. The best thing that you can do is to pray every time na nakakaranas ka ng ganyan. Every time na masama yung pinapakita sa mga panaginip ko, gumagawa ako kaagad ng simple ritual to ward off the negative energies. I fumigate my place, nagso-salt bath ritual ako at china-charge ko yung mga protection charms ko at bahay ko. Kapag death warning, I just pray to ask God na huwag hayaang mangyari and bilang kapalit, I will do something in exchange like I will heal 10 people for free within a specific period of time. So far, these are working hindi kagaya noon na dinidedma ko lang. I don't know why I am doing this. I am just following my Higher Self.

Reply | Threaded
Open this post in threaded view
|

Re: Posible ba?

Garababy
Thanks Tata. I will do that. At the back of my head, I am also thinking na angel of death ung babaeng nakabalabal kaya ganun na lang ung takot ko. I will use the incense that I bought from you last time.

Thanks!

Reply | Threaded
Open this post in threaded view
|

Re: Posible ba?

tataadlaw
Administrator
You're welcome.



Home / Subscribe / Shop / Blog


NatureOz Logo
Abra | Agusan del Norte | Agusan del Sur | Aklan | Albay | Antique | Apayao | Aurora | Basilan | Bataan | Batanes | Batangas | Benguet | Biliran | Bohol | Bukidnon | Bulacan | Cagayan | Camarines Norte | Camarines Sur | Camiguin | Capiz | Catanduanes | Cavite | Cebu | Compostela Valley | Cotabato | Davao del Norte | Davao del Sur | Davao Occidental | Davao Oriental | Dinagat Islands | Eastern Samar | Guimaras | Ifugao | Ilocos Norte | Ilocos Sur | Iloilo | Isabela | Kalinga | | La Union | Laguna | Lanao del Norte | Lanao del Sur | Leyte | Maguindanao | Marinduque | Masbate | Metro Manila | Misamis Occidental | Misamis Oriental | Mountain Province | Negros Occidental | Negros Oriental | Northern Samar | Nueva Ecija | Occidental Mindoro | Oriental Mindoro | Palawan | Pampanga | Pangasinan | Quezon | Quirino | Rizal | Romblon | Samar | Sarangani | Siquijor | Sorsogon | South Cotabato | Southern Leyte | Sultan Kudarat | Sulu | Surigao del Norte | Surigao del Sur | Tarlac | Tawi-Tawi | Zambales | Zamboanga del Norte | Zamboanga del Sur | Zamboanga Sibugay