Re: Have you inherited a talisman, anting-anting, agimat or libreta from one of your ancestors?

Previous Topic Next Topic
 
classic Classic list List threaded Threaded
7 messages Options
Reply | Threaded
Open this post in threaded view
|

Re: Have you inherited a talisman, anting-anting, agimat or libreta from one of your ancestors?

Lilith71
Ano ang Mutya at saan nakakakuha nito?
Reply | Threaded
Open this post in threaded view
|

Re: Have you inherited a talisman, anting-anting, agimat or libreta from one of your ancestors?

tataadlaw
Administrator
Lilith71 wrote
Ano ang Mutya at saan nakakakuha nito?
Pinaniniwalaan na ang mutya ay isang bagay na nanggaling sa kalikasan na nagtataglay ng kakaibang anyo o kakayahan. Halimbawa, ang mutya ng apoy na nakukuha pa sa ilalim ng isang falls sa Mindoro. Nakakita na ako nito na kasing liit lang ng butil ng bigas. Kailangan itong ibabad sa tubig dahil kusa itong magliliyab kung iaahon mo ito mula sa tubig.

Sinasabi na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan ang mga mutya. Hindi na nito kakailanganin pa ng dasal o orasyon para magkabisa dahil biniyayaan na ito ng kakaibang kapangyarihan ng kalikasan.

Maraming nagkalat na mutya sa Quiapo pero kailangan mong maging mapanuri dahil may iilan dito na ginawa lang ng tao. Para makasigurado ka, ikaw na mismo ang mangalap ng sarili mong mutya. Mayroon kaming natagpuan na bato na bukod tangi kaysa sa mga bato na kasama nito sa dagat ng Panay at natuklasan namin ang galing nito nang binabad namin sa lana na panghilot. Sa tuwing may gagamutin kami, pinapahiran lang namin nito at gumagaling ang pasyente.

Maraming uri ng mutya. May mutya na makukuha sa niyog, sa manok, sa puno, at iba pa. Ang bawat isa sa kanila ay nagtataglay ng galing o kapangyarihan. Halimbawa, ang mutya daw na nakukuha sa manok ay mahusay para sa kabuhayan dahil ang pagkahig ng manok ay laging pakabig. Maaari nating sabihin na ang kapangyarihan ng isang mutya ay nakadepende sa kung saan siya nakuha.

Reply | Threaded
Open this post in threaded view
|

Re: Have you inherited a talisman, anting-anting, agimat or libreta from one of your ancestors?

Gilla
This is very interesting, Sir Tata. I have never heard of a mutya, much less know what it is. Thank you for sharing this. Maybe their power is derived from the energies that are within the area where they can be found, and the powers that thrive in that area. Ang galing. I've always known that certain stones contain energy, what I didn't know was that they can actually contain enough power to say, heal. I'm seriously amazed.
May the light guide you to where you need to go and not where you want to be.
Reply | Threaded
Open this post in threaded view
|

Re: Have you inherited a talisman, anting-anting, agimat or libreta from one of your ancestors?

tataadlaw
Administrator
You're welcome Gilla.

Reply | Threaded
Open this post in threaded view
|

Re: Have you inherited a talisman, anting-anting, agimat or libreta from one of your ancestors?

Shiloh0105
Pano po malalaman na mutya na ito? Or pano makuha?
Reply | Threaded
Open this post in threaded view
|

Re: Have you inherited a talisman, anting-anting, agimat or libreta from one of your ancestors?

Conjuro
In reply to this post by Lilith71
I just want to share what I have learned from mystics and old practitioners of phil esoteric. I think people must know the distinction between an agimat and anting-anting. Anting-anting is a prayer ( it can be in Latin, Greek, Hebrew or native language ) that is engraven in a piece of metal, wood or written in a piece of dried animal skin ( goat skin or sheep skin ), libreta ( small book ) or a cloth. This prayer or invocation invokes God or minions of God ( angels, archangels, saints, guereros etc. ) for healing and protection from physical and spiritual harm. Kaya tinawag na anting-anting ibig sabihin bitbit at dala-dala. Puedeng binigay lang at binilinan na sampalatayaan at debusyunan. A good example of anting-anting is the saint benedict medal. While agimat is any power object that comes from nature ( maaring nanggaling sa kalikasan, apat na elemento, halaman, puno, hayop o tao ). A good example of agimat is a mutya ( mutya ng saging, ngipin ng kidlat, mutya ng langka etc. ). Sa tao gaya ng bayugo, bungo o yung buto sa tuhod ginagwang agimat. Maaring ang bagay na ito ay binahagi sa tao ng kalikasan, elemento o espiritu o maaaring ipinamana. Maari rin itong kuhain kaya lang may mga sakripisyo o pagsubok na pagdadaanan bago makakuha ng agimat o mutya...  
Reply | Threaded
Open this post in threaded view
|

Re: Have you inherited a talisman, anting-anting, agimat or libreta from one of your ancestors?

Conjuro
Pag pumasok ka sa sistema o aral ng babaylan, kelangan mong tawagin and espiritu ng agimat at pakainin o sagdaan dahil dito sila kukuha ng lakas at isang paraan ito para magkaroon ng bonding yung may ari ng agimat at yung mismong agimat.  Ginagawa kadalasan ang pagsasagda o pagpapakain tuwing kabilugan ng buwan. Tatawagin ang espiritu ng gamit, pakakainin at bibilinan. Luya ang madalas na pinapahid sa mutya bilang pakain at minsan linulubog ito sa tubig. May kanya-kanyang gamit ang mga mutya pwede itong magamit sa gamutan, tagaliwas, cabal at kung anu ano pa....


Home / Giveaway / Subscribe / Shop / Blog


NatureOz Logo
Abra | Agusan del Norte | Agusan del Sur | Aklan | Albay | Antique | Apayao | Aurora | Basilan | Bataan | Batanes | Batangas | Benguet | Biliran | Bohol | Bukidnon | Bulacan | Cagayan | Camarines Norte | Camarines Sur | Camiguin | Capiz | Catanduanes | Cavite | Cebu | Compostela Valley | Cotabato | Davao del Norte | Davao del Sur | Davao Occidental | Davao Oriental | Dinagat Islands | Eastern Samar | Guimaras | Ifugao | Ilocos Norte | Ilocos Sur | Iloilo | Isabela | Kalinga | | La Union | Laguna | Lanao del Norte | Lanao del Sur | Leyte | Maguindanao | Marinduque | Masbate | Metro Manila | Misamis Occidental | Misamis Oriental | Mountain Province | Negros Occidental | Negros Oriental | Northern Samar | Nueva Ecija | Occidental Mindoro | Oriental Mindoro | Palawan | Pampanga | Pangasinan | Quezon | Quirino | Rizal | Romblon | Samar | Sarangani | Siquijor | Sorsogon | South Cotabato | Southern Leyte | Sultan Kudarat | Sulu | Surigao del Norte | Surigao del Sur | Tarlac | Tawi-Tawi | Zambales | Zamboanga del Norte | Zamboanga del Sur | Zamboanga Sibugay